Kung Bakit Filstop na Ngayon ang Philamfood

For another version of this parable, in English, click here.

Kung Ba’t Filstop na Ngayon ang Philamfood: Isang Parabula

May isang lalaki sa bayan ng Essex na ang pangalan ay Erwin. Inggit na inggit siya sa napangasawa ng kanyang pinsan, ang lalaking ang pangalan ay Derrick. Nag-iisip si Erwin kung paano niya masisira ang buhay nina Derrick, o kabuhayan man lang.

Ang pamilya ni Derrick ay may tindahan na ang tawag ay East West Market. Mayroon din silang kumpanya na ang tawag ay Phil-Am Trading.

Dahil magkakamag-anak nga sila at iisa ang pinagmulan ng mga negosyo ng kanilang angkan, nagkataon na ang pangalan ng maliit na kumpanya ni Erwin ay Phil-Am Merchandising at ang maliit na tindahan naman ay nakilala bilang Phil-Am Food.

Inggit na inggit si Erwin dahil tingi-tingi lang ang naibebenta niya sa kanyang maliit na tindahan, samantalang ang kumpanya ni Derrick ay malalaking order ang inaasikaso. Matalino kasi si Derrick at nakapagtapos ng kolehiyo.

Unang naisipan ni Erwin na sirain ang reputasyon ng tindahan ni Derrick. Pinagsabihan niya ang kanyang mga kaibigan na magsulat ng kung ano-ano sa Yelp page ng East West. Tapos sa Yelp page naman ng Phil-Am Food puro five stars ang ibinigay.

Si Derrick naman walang pakialam diyan. Dahil ang totoo, maganda ang mga negosyo nila anupaman ang ipinaglalagay ng kung sinu-sino sa Yelp. Lalo na ang wholesale trading company nila.

Sa kalaunan, naisip din ni Erwin na ganoon nga… na walang silbi ang pagsisira sa reputasyon ng East West sa Yelp at sa Facebook page nila… kaya pinuntirya naman niya ang wholesale trading company nina Derrick.

Tuwing may magtatanong kung siya ay PhilAm at kung nagnenegosyo siya ng wholesale (ang tinatawag nating pakyawan), oo lang ang sagot ni Erwin… kahit labag sa batas iyon — meron kasing pinagkasunduan ang angkan nila noon pa na nakatoka ang wholesale sa sangay ng pamilya ni Derrick… kasi nga sila ‘yung matalino. Yung maliit na tindahan ang toka ni Erwin.

Nung una, wala masyadong kimi si Derrick sa pinaggagawa ni Erwin… kaso naging malala nang malala ang sitwasyon sa pagkaraan ng mga taon. May trade show sa Maynila na ang tawag ang IFEX… doon, may mga miting para sa Phil-Am wholesale… Hulaan nyo kung sino ang sumipot !

Pinadalhan ni Derrick ng pormal na sulat si Erwin tungkol sa sitwasyong ito. Oo naman nang oo si Erwin… hindi niya na daw gagawin ang mali. Kaso, patuloy niya pa ring ginagawa.

Naisipan ni Derrick na panahon na talaga para sa isa pang pormal na kasunduan… Oo pa rin nang oo si Erwin… Pipirmahan niya daw… Nagkonsultahan ang mga abugado… May acceptance letter na pinadala… Tapos nung panahon na para sa pagpirma, bigla-biglang umayaw si Erwin.

Namangha ang lahat. Pati ang mga abugado. Ilang beses na nilang pinag-usapan ito. Nagbalik-balikan ng ilang buwan. Kumayod ang mga abugado sa bawat isang detalye. Biglang, “Ayoko eh.”

Parang hindi siya pinagsabihan na ilegal din iyon sa ilalim ng batas ng New Jersey. Kapag ganoon na ka-detalyado ang pag-uusap para sa isang kasunduan, at may nakahandang kasulatan na, at may pinadala ka nang acceptance letter, hindi ka puwedeng aatras na lang nang walang rason.

“Eh, ayoko eh.” Ano yan? Laro ng mga bata?

Ano kayang gagawin ni Derrick? Ilang taon na rin siyang nagtitimpi. Para siyang uto-uto na naniniwala tuwing umooo si Erwin.

Inimungkahi ng kanyang abugado na sampahan si Erwin ng kaso sa pederal na korte. “Binigyan ko na ng babala ang panig nila noon. Kung bigla-bigla siyang aatras nang ganito, wala tayong choice kundi magsampa ng kaso. Alam nila ang reaksyon natin dito.”

At ganoon na nga ang nangyari. Sinampahan ng kumpanya ni Derrick ang kumpanya ni Erwin ng kaso sa pederal na korte.

Dahil maliwanag ang batas sa New Jersey na may bisa ang kasunduang biglang inayawan ni Erwin, hula ng lahat mananalo ang kumpanya ni Derrick sa korte. Ang pinag-uusapang halaga ay isang milyong dolyares!

Bigla-biglaan na naman, nagpahiwatig si Erwin na pipirmahan niya ang anumang mapagkasunduan nila. Sinong maniniwala pa sa kanya?

Kaya ang judge ay nagsabi, “Sige, bibigyan ko kayo ng 60 days. Nasa akin na ang kopya ng kasunduan. Kung may aatras, ako na ang bahala.”

Laking takot ni Erwin.

At yan ang dahilan kung bakit nagpalit ng pangalan ang Philamfood at ngayon ay nagsasabing Filstop na sila.

Umiral din ang hustisya nang kahit papaano.

The End.

Sana may natutunan kayong aral. Huwag ituring na larong-bata ang pagnenegosyo, lalo na pagdating sa batas. At huwag kainggitan ang mga namumuhay nang maayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Solve : *
22 − 3 =